Nakakatawa
February 17, 2009 by alienated
Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang patunayan na isa akong tunay na babae. Haha. Ayoko naman na pumatol kung kani-kaninong kalahi ni adan. Para lang patunayan sa mga makikitid ang utak na ang pagyakap mula sa likuran sa isang katulad ko ding babae eh HINDI matibay na basehan ng pagiging binabae. Nakakaawa talaga. Ayoko na sanang patulan pero parang hindi kayang kalimutan. Nangyari lang naman yun bilang pasasalamat dahil ginawa nya ang bagay na hindi naman nya karaniwang ginagawa: ang mag-overnight sa ibang bahay during my 30th birthday. And I really do appreciate that. Kapag naaalala ko nga yun, teary eye pa din ako. Salamat ng marami. Walang kasinungalingan. Kaya nga tame at civil pa rin ako kahit papano. And i’m turning 32 na. Mahirap bang intindihin yun? Kung titingnan mo nakakahiya talaga ang kakitiran ng utak. Maybe, hindi kaya yun lang ang kaya nilang pag-isipan. Tsk, tsk, tsk. Hindi pala, magaling din silang mag-isolate ng sarili nila. Ikaw na ang maging kumbinsidong “anak ng diyos.”
Kasalanan ko din dahil mahilig ako magbiro o magloko na kesyo babae din ang hanap ko at ayoko pang mag-asawa at my age. Malay ko bang uto uto sila sa totoong buhay.
Pantanggal lang ng stress. Ang mapikon, pikon. Bwahahaha!
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.